Post by rhelip on Oct 6, 2012 20:03:32 GMT 8
magandang araw sa inyo TSC members at sa bumabasa ngayon nito. ako si Rhey Philip Cayco pwede nyo akong tawaging Rhey or Philip pwede din Rhelip hehe. May nag sabi sakin na isang spectator tungkol dito sa TSC, sabi niya sakin ito daw club na to ay more on close up magic kaya naging interested ako. tapos nakausap ko si sir Sam Halili, nag tanong ako sa kanya kung saan magandang club na more on close up magic, sinabi nya din ang TSC, keya lalo akong naging interested, si sir sam halili ang nag bigay saking nitong site, siya na din ang nag sabing sumali ako dito para marami pa kong matutunan about sa close up magic. naka tira nga pala ako sa bulacan medyo malayo din. meron naman club dito sa bulacan kaso puro stage magic, ang hilig ko talaga ay close up magic, kaya kahit medyo malayo ako sumali pa din ako. kasi ito ang hinahanap kong club. Noong 12 years old ako naging iteresado ako sa magic, nag simula ito noong napanood ko si david blaine. ang sabi ko sa sarili ko gusto kong maging tulad niya, siya ag inpirasyon ko sa pag mamagic ngayon siya ang number 1 idol ko hehe. pero hindi ko agad ito nasimulan dahil sa kakapusan sa financials. Nang nag simulang akong mag magic 18 years old na ko, nasa 3rd year highschool ako noon, medyo na late din ako sa study. ngayon may pambili na ko ng bicycle card at tutorial videos. pero hindi ako nag simulang mag pracitse sa bicycle deck. ng simulan kong mag practice ang gamit kong card ay yung mga pang tong-its lang yung plastic. ang una kong natutunan ay kardklub, crush course volume 1,2, nija 1, 2 at how to do street magic by brad christian. kaya ko gustong mag magic dahil gusto kong mag pasaya ng tao, ako ay nag peperform sa school pag walang klase at sa kalye street magic kung baga. Ako ay nag aarall ng magic sa sarili lamang, pinapanood ko lang ang mga tutorial video tapos gagawin ko sa harap ng salamin. wala akong mentor self study lang. ang klase pala ng magic ko ay close up magic, hilig ko ay card magic sleight of hand, geek magic and konting mentalism.
oh sya, hanggang dito na lang masyado ng mahaba. hehe.. maraming salamat po sa inyo. sana welcome po ako dito at sana magustuhan nyo po tong essay ko..
oh sya, hanggang dito na lang masyado ng mahaba. hehe.. maraming salamat po sa inyo. sana welcome po ako dito at sana magustuhan nyo po tong essay ko..