Post by bubuhaha on Oct 6, 2014 23:18:27 GMT 8
I'am John Darlly Santos Calma my friends call me "John2" meron po akong before ditu sa forum yung "CALMAX013" po .
hindi ko na po kasi maalala yung username and password nung account ko na yun kaya gumawa po ako ng bago, and besides balik magic po ako .
nagstop po ako last year and this week lang po ako naka-balik sa kadahilanang naging busy sa school but now graduating student na po ako,
kaya medyo may kaluwagan na po sa schedule.sa pagkakaalala ko po si sir Ody po ang nagpakilala saakin ng TSC at si sir Sam Halili naman po ang
nagsama saakin sa gathering, siguro po hindi nyu na ko maalala kasi antagal na po nun masyado, ako po yung matangkad na payat na medyo makulit
pero ngayon po mataba na po ako . taga tondo, manila po ako, malapit po kela sir Ted Bravo ilang kanto lng po, nagstart po ako magmagic dahil sa pinsan ko,
meron po kasi kaming family gathering that time tapos siya naman po ay nagaaral pa lang magmagic then nagdemo po siya sakin, to be exact 2 card monte
po yung dinemo nya saakin, hindi ko po siya makakalimutan dahil maski hangang sa ngayun isa po yun sa pinakapaborito kong effect, nagstart po ako magmagic
around 2009 but nahinto po ako nung mga bandang 2013 tapus ngayon po balik practice.
i like to perform magic tricks on streets, parks, malls, and party's, sa mga hindi ko po talaga kilala, nakakatuwa at nakakatawa po kasi ang feeling kapag
nakapagmagic ka sa mga taong hindi mu talaga lubos na kilala, iba't ibang personality at iba't ibang paniniwala ang mga nararanasan at nakikita ko sa tuwing
nagmamagic ako sa ibang tao at yun din po ang nagbibigay sakin ng fulfillment, at dun ko din po nasasabing worth it lahat ng hirap at pagod ko sa pagpapractice.
i studied my craft all by myself at first (may kadamutan po kasi yung pinsan ko. hehe. ) youtube baby yung tipong nood po ng kunti tapus mamaya decode decode na po . hehe .
pero ng maglaaon dumami po ang nakapaligid saakin at dumami na din po ang nagtuturo at nagaadvice sa akin, mentor po? wala po e. yung nga po winiwish ko e.
sana someday may magtiyaga at pagkatiwalaan ako bilang studyante nya e. pero sa kasamaang palad po hangang ngayon wala pa din po akong mentor, self study, internet surfing, sa mga magic shop, sila po yung mga nagsilbing mentor ko habang ako'y nagmamagic.
dati po puro po ako card magic but now i'm trying other stuffs like coins, and i like close-up magic and bar magic's . .
mga sir pede po pakibura na lng po ung account ko before? hindi ko na po kasi siya maaccess.
MARAMING SALAMAT PO! GOD BLESS !