Post by b2y on Feb 20, 2018 23:21:35 GMT 8
Hi all, it nice to be back here in TSC after 12 long years. Im Michael David aka B2Y. How did I know TSC? So here goes my story. Nagkainterest ako sa magic way back 2004. Namangha ako sa mga magic ni David Copperfield like nung tumagos sya sa great wall of China at nag levitate pa. Naisip ko nga nun na siguro na ibenta na nya sa demonyo ang kaluluwa nya kaya nya nagagawa ang mga iyon..hehehe. Lalong pang na boost ang interest ko sa magic specially sa street magic nung mapanood ko naman si David Blane. Lilinawin ko lang hindi ko relative ang dalawang yan, ka DAVID ko lang sila..:-) back to the story... so dahil nga sa interest ko sa magic madalas kong tambayan ang national bookstore para magbasa ng mga magic books. Nag search din sa internet ng mga magic sites (penguinmagic and illusionist) yan ang madalas kong puntahan at dyan ko rin nabili ang una kong gadget na M5 System. Nag join din ako sa mga magic international forums. May forum akong napuntahan kung saan ko nameet si Lei aka simplyjessie. At dahil parehas naman ang aming hilig na magmagic minsan napagkasunduan naming mag meet para mas mahaba ang kwentuhan namin sa magic. The day ng meetup namin sa isang coffeeshop, kasama nya si Mamot since officemate sila. So eto na, kwentuhan then pakitaan kami ng tricks then reveal how it was done. So for me parang ito yung 1st gathering na may roundrobin na. SO yung unang meetup, na sundan pa ng nasundan, hanggang sa maisipan ni Mamot at Lei na gumawa ng TSC forum site kung saan dun namin napaguusap ang mga bagay bagay sa magic pati na ang schedule ng susunod na meetup. Then sa isang meetup namin dun ko naman na meet si Trycks at dun ko na kita ang galing nya sa coin magic. Everytime na mag meet kami, we make sure na may nakahanda kaming tricks and reveal. Dahil sa forum dumami ng dumami ang nag jojoin at dumadami narin kami sa meetup. hanggang sa hindi na kami magkasya sa isang table lang. Then one day, nabalitaan na lang namin na meron isang magic group dito sa pilipinas na nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang mga members, di ko na sasabihin kung anong group. So yung ibang member nila nag join na rin sa TSC, and since neutral naman ang TSC everybody is very much welcome. So dun na nag start na magkaroon ng mga malulupit na magician ang TSC like Ang3l, Karl, Andres, Nomer,..etc. Dun na rin nag start yung pag may gathering bukod sa roundrobin, nag karoon na rin ng crashing. Sa mga gathering na yun dun ko na rin na meet ang mga celebrity magicians like Ranny Raymundo and Berwin. Last quarter ng 2006, I got married so yun na yung time na nag iba na ang priority ko sa buhay. So hindi na ako na kaka attend ng mga gathering at di narin ako naging active sa forum. One time na isipn kong mag attend sa isang gathering sa cubao, but sad to say I feel OP nung pagdating ko dun. Kasi ang dami ng bago at wala na akong kakilala so di na rin ako nagtagal sa gathering na yun.
Sa ngayon, im still fan of magic at patuloy akong nag aaral at naguupdate ng mga bagong trick sa pamamagitan ng mga videos at internet. Like Mamot, wala naman akong balak na icareer ang magic, magic sa akin is just a hobby at masaya na akong ipakita ang nalalaman ko sa craft sa aking mga kaibigan, officemates at relatives.
Sa ngayon, im still fan of magic at patuloy akong nag aaral at naguupdate ng mga bagong trick sa pamamagitan ng mga videos at internet. Like Mamot, wala naman akong balak na icareer ang magic, magic sa akin is just a hobby at masaya na akong ipakita ang nalalaman ko sa craft sa aking mga kaibigan, officemates at relatives.